Mag-amang Estrada magpapa-Pasko sa kanilang bahay
December 10, 2002 | 12:00am
Bukas ang pamahalaang Arroyo na pumayag sa panawagan ng ibat-ibang sektor na i-house arrest na lamang ang dating Pangulo Joseph Estrada kasama ang anak nito na si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada kayat may posibilidad na makauwi ngayong Pasko ang mag-ama sa kanilang tahanan.
Ito ang inihayag ni Housing Secretary Michael Defensor dahil sa nakausap niya sa Veterans Memorial Medical Center ang mag-amang Estrada at pinag-usapan nila ang naging panawagan ng ibat-ibang sektor na ipailalim na lang sila sa house arrest.
Ayaw aminin ni Defensor na siya ang ipinadala ni Pangulong Arroyo dahil sa ito umano ay personal niyang desisyon ang pagpunta doon.
Inakusahan naman ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos si Pangulong Arroyo na kaya lumambot ito sa isyu ng house arrest sa mag-amang Estrada ay para makuha ang simpatiya ng masa.
Subalit kahit umano pumayag si Estrada na mailagay siya sa house arrest ay balewala rin kung hindi naman ito pahihintulutan ng Sandiganbayan kayat balewala rin ang pakikipag-negosasyon ng Malacañang.
Samantala,sinabi naman ni Police Security and Protection Office Director, C/Supt. Prospero Noble na hindi nila maiaalis ang posibilidad na hindi nila makontrol ang sitwasyon partikular ang pagdagsa ng mga taong nais bumisita kay Estrada sa kanyang bahay sa no.1 Polk St., Greenhills, San Juan. (Ulat nina Lilia Tolentino,Malou Escudero at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest