Sa isang press statement ni Arroyo,sinabi niyang kaya lamang siya pumayag sa nasabing posisyon ay para matulungan ang Pangulo sa pangangalaga sa kapakanan ng mga Pinoy OFWs.
Sinabi nito na kahit wala na siya posisyon ay tutulong pa rin umano siya sa problema ng mga OFWs sa abot ng kanyang makakaya.
Pinasalamatan ni Arroyo sina Senador Aquilino Pimentel Jr., Congressman Prospero Pichay at iba pang nagdepensa sa kanya sa pagkakahirang niya bilang special representative ng Pangulo noong Disyembre 4. (Ulat ni Lilia Tolentino)