FG Mike Arroyo umayaw bilang special envoy ng OFWs
December 10, 2002 | 12:00am
Pagkaraan umani ng kabi-kabilang batikos mula sa ibat ibang sektor ng lipunan, inayawan na ni First Gentleman Mike Arroyo ang pagiging special envoy ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa isang press statement ni Arroyo,sinabi niyang kaya lamang siya pumayag sa nasabing posisyon ay para matulungan ang Pangulo sa pangangalaga sa kapakanan ng mga Pinoy OFWs.
Sinabi nito na kahit wala na siya posisyon ay tutulong pa rin umano siya sa problema ng mga OFWs sa abot ng kanyang makakaya.
Pinasalamatan ni Arroyo sina Senador Aquilino Pimentel Jr., Congressman Prospero Pichay at iba pang nagdepensa sa kanya sa pagkakahirang niya bilang special representative ng Pangulo noong Disyembre 4. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended