Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jose Lina, ang direktiba ay ginawa ng Pangulo sa ginanap na command conference kahapon ng matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philiipine National Police (PNP) sa Malacañang.
"We have already asked the PNP-NCRPO to invite Mary Ong so that her statement can be taken under oath because if there is going to be something out of that revelation by Mary Ong in the media it should be reduced into writing and under oath", ani Lina.
Inihayag din ni Lina, sisiyasatin ang naging pahayag ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief, C/Supt. Eduardo Matillano na destabilisasyon sa Arroyo administration ang motibo ng pagpaslang kay Campos.
Sinabi rin ni Lina na wala umanong basehan ang panawagan ng ilang mambabatas na sibakin si Matillano sa puwesto dahil hindi naman ito lumabag sa direktibang tigilan ang pagpapalabas ng pahayag ukol sa kaso habang hindi pa tapos ang imbestigasyon.
Ang pahayag umano ni Matillano ay tinitingnan nila ang anggulong destabilisasyon at hindi sinabi na ito ang dahilan kung bakit pinaslang si Campos.
Galing umano sa sibilyan at mga retiradong pulis at militar ang may kakagawan na destabilisasyon kung bakit pinatay si Campos.
Ito rin umano ay plano ng mga militar na tagasuporta ng Pangulong Arroyo na naglalayong makalikha ng senaryong magbubunsod sa pagkakaloob sa Presidente ng lubos na kapangyarihan para mapatagal pa siya sa poder lampas sa taong 2004.
Sinabi ni Lacson, pinayuhan siya ng kanyang mga abugado na sampahan ng kasong libelo si Rosebud dahil sa ginawa nitong pagsira sa kanyang pagkatao ng akusahang siya ang utak ng pagpaslang kay Campos dahil sa balak umano itong bumaligtad laban sa kanya.
Aniya, wala na sana siyang balak maghain pa ng kaso dahil hahaba lamang ang kuwento subalit dahil sa payo ng abugado maghahain siya ng libel case laban dito.
Sinabi ni PDEA Director Undersecretary Anselmo Avenido na handa silang magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon upang malinawan ang mga hinala na illegal drug trade ang motibo ng krimen.
Magugunita na si Cabanban ang kasama ni Campos nang ito ay mapatay sa isang kainan sa Parañaque City. (Ulat nina Lila Tolentino, Rudy Andal at Danilo Garcia)