Matataas na lider ng Singapore darating
December 9, 2002 | 12:00am
Nakatakdang dumating ngayon sa bansa ang Deputy Prime Minister at Defense Minister ng bansang Singapore para sa tatlong araw na pagbisita at pakikipagtulungan sa paglaban sa terorismo sa rehiyon ng Southeast Asia.
Ito ang magiging ikalawang pagdalaw sa Pilipinas ni Dr.Tony Tans na nagtungo na rito noong 1995.
Kasama nito ang kanyang mga convoy na sina Dr. Warren Lee, miyembro ng Parliament; Col. Ang Aik Hwang Gary, Director for Policy of the Ministry of Defense at iba pang opisyal ng Singapore Armed Forces.
Nakatakdang makipagpulong ang mga ito kay Defense Secretary Angelo Reyes upang pag-usapan ang hakbang sa mga isyu sa regional security partikular na sa paglaban sa terorismo.
Magugunita na dumalaw rin sa Singapore si Reyes noong Agosto 2001 at dito ay napagkasunduan ang kooperasyon sa paglaban sa terorismo at patuloy na palitan ng impormasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended