Bangayan sa Campos slay pinapatigil ng Palasyo
December 9, 2002 | 12:00am
Humiling nang katahimikan ang Palasyo sa lahat ng panig kaugnay sa kasong pagpatay kay P/Supt. John Campos, dating intelligence officer ng Narcotics Group.
Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na pabayaan na lamang ang mga imbestigador na magtrabaho at itigil na ang bangayan upang di madiskaril ang mabilis na paglutas sa kaso.
Ito ang naging pahayag ng Palasyo dahil sa kaliwat kanang mga paglalabas ng bersiyon ng ibat-ibang anggulo halimbawa na dito ang destabilisasyon at pagturo kina Senador Panfilo Lacson at Mary Ong alias Rosebud bilang mga utak sa pagpatay.
Subalit malaki pa rin ang paniniwala ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, C/Supt. Eduardo Matillano na destabilisasyon ang nais ng mastermind ng pagpatay kay Campos.
Tumanggi si Matillano na banggitin ang mga taong kanilang iimbestigahan na posibleng may partisipasyon sa krimen.
Bagamat sinabi ng mga opisyal ng PNP na malapit kay Lacson na huwag magbigay ng espekulasyon at tiniyak na hindi ang grupo ni Lacson manggagaling ang destabilisasyon. (Ulat nina Ely Saludar, at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 hours ago
Recommended