Sinabi ni Drilon,kung sakaling hindi payagan si Estrada ng Sandiganbayan ay maaaring ang mga miyembro na lamang ng komite na pinamumunuan ni Sen. John Osmeña ang magtutungo sa Veterans Memorial Medical Center kung saan nakakulong ang dating Pangulo upang doon na lamang isagawa ang pagdinig.
Magugunita na nagpadala na ng liham ang Senado kay Estrada upang imbitahan ito sa isasagawang hearing sa IMPSA contract habang pinaldahan na rin ng sulat ang Sandiganbayan upang humingi ng pahintulot na payagang makadalo ang dating Pangulo. (Ulat ni Rudy Andal)