Sa ginanap na pagdiriwang ng Urban Poor Week sa Quezon City, inihayag ni Pangulong Arroyo ang kanyang paglagda sa Executive Order 131 na nagdedeklara sa lahat ng lupa ng gobyernong hindi ginagamit mula 1992 hanggang sa kasalukuyan na alienable at disposable.
Kabilang dito ang Camp El Ridge sa Laguna; Camp Tinio sa Palawan; Iwahig Penal Colony sa Davao at isang lupang ari ng Air Transport Office.
Sa ganitong paraan ang mga lupa ay magagamit para sa socialized housing ng pamahalaan para sa mahihirap. Popondohan ng P 700 milyon ng pamahalaan ang Community Mortgage Plan na siyang nagsasagawa ng on-site development ng mga squatters area. (Ulat ni Angie Dela Cruz)