Nabatid na kabilang sa sinisiyasat ng pulisya ang anggulo ng love triangle matapos mapaulat na isang bakla umano si Antonio Cabanban ang kaibigan na madalas kasama ni Campos sa mga lakaran.
Sinabi ni Mary Ong alyas Rosebud,dating lover ni Campos na sa pulisya umano nanggaling ang nasabing anggulo na nakarating lamang sa kanyang kaalaman.
"Naririnig ko lang na bading siya,pero Im not sure kung talagang may relasyon sila ni John" ani Rosebud sa isang phone interview matapos umanong mawalan sila ng komunikasyon mahigit isang taon na ang nakalilipas.
Si Cabanban ang nagbulgar sa mga natanggap na death threats ni Campos mula kay Rosebud at huling kasama ni Campos nang ito ay mapatay sa isang restaurant sa Parañaque City.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng hawak na apat na testigo ang mga imbestigador sa kaso subalit sa kabila nito ay wala pa rin umanong mga substantial evidence na makapagbibigay linaw sa motibo ng krimen.
Ito ay matapos na isang mysterious caller ang tumawag sa PNP Press Corps sa Camp Crame na umaming si Rosebud umano ang utak sa krimen at nangakong babayaran siya ng P 2M para patayin si Campos.
Ayon sa caller,P 500,000 pa lamang umano ang naibayad sa kanya ni Rosebud at hinihintay pa ng kanilang grupo na maibigay ang balanse sa kanilang pinagkasunduan.
Sinabi ni Rosebud na kung may P2M umano siya ay dapat nabayaran na niya ang kanyang mga obligasyon at nanaisin pa niyang buhay si Campos para may testigo sa kaso.
Nakahanda rin umano siyang humarap sa imbestigasyon matapos lumutang ang espekulasyon na siya ang pangunahjng suspek sa kaso.
Sinabi ni P/Sr. Supt. Restituto Mosqueda,chief ng PNP Crime Laboratory na si Campos ay nakitaan sa magkabilang kamay ng gunpowder at dahil dito ay hinihinalang nagpaputok ito ng baril dalawamput apat na oras bago ito paslangin.
Lumitaw din sa pagsusuri na negatibo sa paggamit ng alkohol at droga ang katawan ni Campos.
Si Campos ay nakatakdang ilibing sa darating na Disyembre 15 sa Cebu.
Ito ang inihayag kahapon ng NBI matapos magsagawa ng sariling autopsy report bukod sa ginawang autopsiya ng PNP-Crime Lab.
Tiniyak ng NBI na makakapaglabas na sila ng independent report sa lalong madaling panahon dahil may hawak na silang ebidensiya na tutukoy sa tunay na motibo ng pagpaslang kay Campos,bagamat mahihirapan silang tukuyin ang gunman.
Ito ang pahayag ni CPP-NPA spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal upang linisin ang pangalan ng kanilang grupo na idinadawit sa pagpaslang sa nasabing police officer.
Binigyan linaw ni Rosal na wala si Campos sa hit list ng kilusan partikular sa mga nakatakdang sentensiyahan nila bilang abusado. (Ulat nina Joy Cantos at Grace dela Cruz)