Roco-Legarda sa 2004
December 7, 2002 | 12:00am
Niluluto na ngayon ang tandem na Roco-Legarda para sa 2004 elections matapos magkasama ang dalawang personalidad sa isang forum kahapon sa Maynila.
Ayon kay Senate Majority Leader Loren Legarda, may mga pahaging na umano sa kanya ang ilang grupo kaugnay sa darating na 2004 elections subalit isinasantabi muna niya ito at binibigyang prayoridad ang kasalukuyang trabaho bilang majority leader ng Senado.
Sinabi ni Sen. Legarda, nangunang vice-presidentiable candidate sa isinagawang survey ng Pulse Asia sa nakalipas na buwan, lubhang matagal pa ang elections upang paghandaan ito.
Itinanggi din ni Legarda na mayroon siyang sikretong meeting kay dating Education Secretary Raul Roco upang maging running mate nito bagkus ay nagkasabay lamang silang maging panauhin kahapon sa Adamson University. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest