Rosebud itinuro ng 'killer'
December 7, 2002 | 12:00am
Lalong naging masalimuot ang tunay na anggulo sa pagkamatay ni dating Narcotics Group Intelligence chief, Col. John Campos matapos na isang hindi nagpakilalang lalaki ang tumawag kahapon sa PNP Press Corps at umamin na siya ang gunman sa insidente at itinuro si Mary Ong, alyas Rosebud na siya umanong utak sa krimen.
Tatlong beses na tumawag ang naturang caller at inamin nito na nakatalaga umano siyang security personnel kasama ang isa pang dating kagawad ng militar na siyang kinasangkapan ng isang alyas Matahari sa pangakong babayaran sila ng P2 milyon.
Nang tanungin kung sino ang taong tinutukoy nito ay sinabi ng caller na "yung madrama kahapon!"
Matatandaan na lumikha ng komosyon si Ong sa may PNP crime laboratory nang umiyak ito matapos na makita ang bangkay ng dating lover na si Campos.
Kasalukuyang hindi pa umano nababayaran ng buo ni Rosebud ang naturang halaga at P500,000 pa lamang umano ang naibibigay sa kanila.
Sinabi nito na pinipilit umano ni Rosebud na bumaligtad si Campos kay Lacson ngunit tumanggi kaya ipinapatay ito.
Hindi naman ito nagbigay pa ng ibang detalye ng ginawang pagpaplano sa krimen at sinabing muli na lamang itong tatawag.
Ayon naman kina Reps. Rolex Suplico, Gilbert Remulla at Ted Failon, dapat ding isama sa mga iimbestigahang suspek sa pagpatay kay Campos si Ong.
Ang mismong pahayag ni Rosebud at mga kamag-anak at kaibigan ni Campos ang maaaring gawing basehan para isama ito sa listahan ng mga suspek.
"Batay na rin sa pagbubunyag ng kaibigan ni Campos na si Antonio Cabanban at kapatid nitong si Jing Campos ay madalas kinukulit ni Ong ang biktima sa telepono hanggang sa araw na mamamatay ito," ani Remulla.
Kinakailangan umanong magpalit ng apat na beses ng kanyang numero sa telepono si Campos upang maiwasan ang pangungulit umano ni Ong.
Ayon naman kay Suplico, posibleng may motibo si Ong sa pagpapatay dahil sa alegasyon na rin ng biktima na tinanggihan nito ang kanilang relasyon.
Idinagdag pa nito na ilang beses na ring ipinahiya ni Campos si Ong at binansagan niya ito ng kung anu-ano makaraang ibunyag siya ng huli na kabilang sa sindikato ng mga pulis na sangkot sa recycling ng illegal drugs.
"Miss Ong has all the reason to be furious at Campos. Certainly, it would not be very easy to accept rejection as Ong herself admitted that she is deeply in love with Campos. This can be a crime of passion and has nothing to do with politics," pahayag pa ni Suplico.
Sinabi naman ni Failon na nasorpresa siya sa naging reaksiyon ni Ong matapos na matanggap ang balitang pagpatay kay Campos dahil parang batid na nito ang kumpletong detalye sa krimen gayong hindi pa kumpleto ang ulat ng pulisya.
Ayon pa kay Failon, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling araw subalit nagawa na nitong makuha ang kumpletong detalye ng wala naman siya sa pinangyarihan ng krimen.
"Most of the people are already asleep when the incident happened and I find it very strange that Ong already had all the facts about Campos death when she went over the radios for interview. Nakapagtataka talaga ito," pagtatapos ni Failon. (Ulat nina Danilo Garcia at Malou Escudero)
Aminado si Interior and Local Government Secretary Joey Lina na hindi maaring gawing suspek si Sen. Panfilo Lacson sa naganap na pagpatay kay Col. Campos sa kabila ng mga pahayag at pagtuturo ni Mary Ong na ito umano ang utak ng pamamaslang dahil pawang mga alegasyon lamang niya ito.
Pinayuhan ni Lina si Rosebud na mas makabubuting magbigay ng pormal na pahayag sa pulisya upang maimbestigahan at maisampa ang kaso sa korte. Sakali umanong may basehan at ebidensiya ang kanyang alegasyon, ito ang tamang panahon na isasagawa ng korte ang pagdinig.
Samantala, tahasan namang sinabi ni Atty. Leonardo de Vera, legal counsel ni Ong na hindi niya ito pagbabawalang magsalita laban kay Lacson kahit pa ito magsampa ng kasong libelo.
Aniya, mas mabuti ngang magsampa ng kasong libelo si Lacson para may tamang lugar na paglalantaran ng ebidensiya ang kanyang kliyente.
Mahihirapan umano na patunayan na may malisya ang akusasyon ni Rosebud dahil may pinanghahawakan itong dokumento at ebidensiya. (Ulat ni Doris Franche)
Isa umanong parte ng destabilisasyon sa administrasyong Arroyo ang pamamaslang kay Supt. John Campos kung saan isang malaking tao na nasa loob ng pamahalaan ang mastermind umano nito.
Sinabi ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group director Eduardo Matillano na malaki umano ang pagkakahawig ng estilo ng pamamaslang kay Campos kay dating YOU spokesman, Capt. Baron Cervantes.
Ang naturang operasyon sa paglikida kay Campos ay isa lamang umanong maliit na bahagi ng pagpapabagsak sa kasalukuyang pamahalaan.
Nakatakda namang isailalim nila sa masusing pagtatanong si Antonio Cabanban na kasama ni Campos ng pagbabarilin ito sa isang bulaluhan sa Parañaque.
Pinagbawalan na ng pamilya ng pinaslang na si Supt. John Campos ang dati nitong karelasyon na si Mary Ong, alyas Rosebud na magtungo sa burol nito sa St. Ignatius chapel sa loob ng Camp Crame at dumalo sa libing nito kung saan galit na sinabi nila na tigilan na umano nito ang ginagawang drama dahil kailanman ay hindi siya ipinakilala na nakarelasyon ni Campos.
Sinabi ni Jing Campos, nakatatandang kapatid, dapat tumigil na si Rosebud sa pagtuturo sa mga tao na umanoy nasa likod ng pagkamatay ng kanyang kapatid.
Sa kabila ng mga alegasyon ni Rosebud, sinabi ni Jing na buo pa rin ang kanilang simpatiya kay Sen. Panfilo Lacson at kay Sr. Supt. Michael Ray Aquino na itinuturong binigyan ng "Plan B" para sa paglikida kay Campos.
Tatlong beses na tumawag ang naturang caller at inamin nito na nakatalaga umano siyang security personnel kasama ang isa pang dating kagawad ng militar na siyang kinasangkapan ng isang alyas Matahari sa pangakong babayaran sila ng P2 milyon.
Nang tanungin kung sino ang taong tinutukoy nito ay sinabi ng caller na "yung madrama kahapon!"
Matatandaan na lumikha ng komosyon si Ong sa may PNP crime laboratory nang umiyak ito matapos na makita ang bangkay ng dating lover na si Campos.
Kasalukuyang hindi pa umano nababayaran ng buo ni Rosebud ang naturang halaga at P500,000 pa lamang umano ang naibibigay sa kanila.
Sinabi nito na pinipilit umano ni Rosebud na bumaligtad si Campos kay Lacson ngunit tumanggi kaya ipinapatay ito.
Hindi naman ito nagbigay pa ng ibang detalye ng ginawang pagpaplano sa krimen at sinabing muli na lamang itong tatawag.
Ayon naman kina Reps. Rolex Suplico, Gilbert Remulla at Ted Failon, dapat ding isama sa mga iimbestigahang suspek sa pagpatay kay Campos si Ong.
Ang mismong pahayag ni Rosebud at mga kamag-anak at kaibigan ni Campos ang maaaring gawing basehan para isama ito sa listahan ng mga suspek.
"Batay na rin sa pagbubunyag ng kaibigan ni Campos na si Antonio Cabanban at kapatid nitong si Jing Campos ay madalas kinukulit ni Ong ang biktima sa telepono hanggang sa araw na mamamatay ito," ani Remulla.
Kinakailangan umanong magpalit ng apat na beses ng kanyang numero sa telepono si Campos upang maiwasan ang pangungulit umano ni Ong.
Ayon naman kay Suplico, posibleng may motibo si Ong sa pagpapatay dahil sa alegasyon na rin ng biktima na tinanggihan nito ang kanilang relasyon.
Idinagdag pa nito na ilang beses na ring ipinahiya ni Campos si Ong at binansagan niya ito ng kung anu-ano makaraang ibunyag siya ng huli na kabilang sa sindikato ng mga pulis na sangkot sa recycling ng illegal drugs.
"Miss Ong has all the reason to be furious at Campos. Certainly, it would not be very easy to accept rejection as Ong herself admitted that she is deeply in love with Campos. This can be a crime of passion and has nothing to do with politics," pahayag pa ni Suplico.
Sinabi naman ni Failon na nasorpresa siya sa naging reaksiyon ni Ong matapos na matanggap ang balitang pagpatay kay Campos dahil parang batid na nito ang kumpletong detalye sa krimen gayong hindi pa kumpleto ang ulat ng pulisya.
Ayon pa kay Failon, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling araw subalit nagawa na nitong makuha ang kumpletong detalye ng wala naman siya sa pinangyarihan ng krimen.
"Most of the people are already asleep when the incident happened and I find it very strange that Ong already had all the facts about Campos death when she went over the radios for interview. Nakapagtataka talaga ito," pagtatapos ni Failon. (Ulat nina Danilo Garcia at Malou Escudero)
Pinayuhan ni Lina si Rosebud na mas makabubuting magbigay ng pormal na pahayag sa pulisya upang maimbestigahan at maisampa ang kaso sa korte. Sakali umanong may basehan at ebidensiya ang kanyang alegasyon, ito ang tamang panahon na isasagawa ng korte ang pagdinig.
Samantala, tahasan namang sinabi ni Atty. Leonardo de Vera, legal counsel ni Ong na hindi niya ito pagbabawalang magsalita laban kay Lacson kahit pa ito magsampa ng kasong libelo.
Aniya, mas mabuti ngang magsampa ng kasong libelo si Lacson para may tamang lugar na paglalantaran ng ebidensiya ang kanyang kliyente.
Mahihirapan umano na patunayan na may malisya ang akusasyon ni Rosebud dahil may pinanghahawakan itong dokumento at ebidensiya. (Ulat ni Doris Franche)
Sinabi ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group director Eduardo Matillano na malaki umano ang pagkakahawig ng estilo ng pamamaslang kay Campos kay dating YOU spokesman, Capt. Baron Cervantes.
Ang naturang operasyon sa paglikida kay Campos ay isa lamang umanong maliit na bahagi ng pagpapabagsak sa kasalukuyang pamahalaan.
Nakatakda namang isailalim nila sa masusing pagtatanong si Antonio Cabanban na kasama ni Campos ng pagbabarilin ito sa isang bulaluhan sa Parañaque.
Sinabi ni Jing Campos, nakatatandang kapatid, dapat tumigil na si Rosebud sa pagtuturo sa mga tao na umanoy nasa likod ng pagkamatay ng kanyang kapatid.
Sa kabila ng mga alegasyon ni Rosebud, sinabi ni Jing na buo pa rin ang kanilang simpatiya kay Sen. Panfilo Lacson at kay Sr. Supt. Michael Ray Aquino na itinuturong binigyan ng "Plan B" para sa paglikida kay Campos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest