Kasama ni Perez ang kanyang mga abugado sa Balgos & Perez Law offices ng pormal na ihain sa Makati Prosecutors Office ang isa pang kasong libelo laban sa kongresista.
Humihingi si Perez ng P10 milyon kay Villarama bilang danyos matapos siyang tawaging "sinungaling" ni Villarama sa isang artikulo na lumabas sa isang pahayagan noong Nobyembre 22 taong ito.
"This guy (Perez) is lying through his teeth," pahayag umano ni Villarama na ang tinutukoy ay ang ginawang pagtanggi ng kalihim na mayrong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong na maaaring magpasilidad ukol sa imbestigasyon ng bank account ng "million dollar man" sa Coutts Bank.
Pero ayon kay Perez ay hindi pa ito epektibo at hindi pa nararatipikahan ng Senado at ang tinutukoy na treaty ni Perez ay sa pagitan ng RP at Uruguay at hindi sa HK.
Nabatid na sa Makati isinampa ang kasong libelo dahil dito ang business address ng pinaglabasang pahayagan ng nasabing artikulo.
Ani Perez, bawat "libelous statement" na bibitawan laban sa kanya ni Villarama at Rep. Mark Jimenez ay isang kaso ng libel na pag-aaralan ng kanyang mga abogado para isampa.
Kamakalawa ay naunang sinampahan ng P10-M libel case ni Perez si Villarama sa Manila Prosecuotrs Office kasabay ng P10-M civil case laban naman kay Rep. Jimenez. (Ulat nina Gemma Amargo/Lordeth Bonilla)