Disyembre 6 holiday
December 4, 2002 | 12:00am
Idineklarang regular holiday ng Malacañang sa buong bansa ang Disyembre 6, araw ng Biyernes, dahil sa pagtatapos ng isang buwang selebrasyon ng Eid-Ul-Fitre o Ramadan ng mga kapatid na Muslim.
Batay sa Proclamation No.298 na nilagdaan ni Pangulong Arroyo, ang Republic Act No. 9177 na kilala bilang Eid-Ul-Fitre ay idedeklarang holiday.
"Iginagalang ng pamahalaan ang kultura ng ating mga kababayang Muslim kaya dapat lamang na bigyan sila ng pagkakataon na makasalamuha ang kanilang pamilya," wika ni Executive Secretary Alberto Romulo.
Layunin din ng Pangulo na magkaroon ng sapat na panahon ang mga Kristiyano na makiisa sa selebrasyong ito.
Suportado naman ni DOLE Secretary Patricia Sto. Tomas ang proklamasyong ito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended