Hirit ni Erap: 'Maligo sa miraculous fountain'
December 3, 2002 | 12:00am
Hiniling kahapon ni dating Pangulong Estrada sa Sandiganbayan Special Division na payagan siyang makalabas ng Veterans Memorial Medical Center simula sa Disyembre 16 upang maligo sa "miraculous fountain" ng Mother Ignacia Healing Center sa Bagumbong, Novaliches.
Sa 3-pahinang mosyon, sinabi ng mga abogado ng dating pangulo na kailangang makumpleto ni Estrada ang isinasagawang spiritual healing session sa kanya na nagsimula noong Oktubre 10, 2001 dahil na rin sa payo ni Sister Gloria Ross ng RVM.
Ang nasabing madre ay ipinakilala kay Estrada nina dating senator Ernesto Maceda at Atty. Prospero Crescini nang bumisita ang mga ito sa VMMC.
Gumanda umano ang pakiramdam ng dating pangulo ng isailalim siya ng madre sa isang prayer healing session. Upang makumpleto umano ang session, kailangan ni Estrada na maligo sa "miraculous fountain" ng RVM.
Mariin namang tinutulan ng prosekusyon ang mosyon dahil isa lamang umano itong kapritso. Kung tutoo anyang nakagagaling ang tubig ay puwede namang magpakuha na lamang nito si Estrada upang ipaligo niya sa VMMC. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest