Ayon sa kongresistang tumangging magpabanggit ng pangalan, ginagapang na umano sa Malacañang ng ilang mambabatas sa Kamara ang agarang pagpapatalsik sa dalawang Cabinet secretaries.
Nag-ugat umano ang galit ng ilang mambabatas kay Dayrit dahil sa hindi nito pagtupad sa ipinangakong P5 milyon halaga ng gamot sa bawat kongresista kapalit ang kanyang kumpirmasyon sa CA.
Sa kaso naman ni David, sinabi ng source na nakita na umano ng Pangulo na wala itong kakayahang patakbuhin ang CSC dahil sa kulang umano ang kanyang kuwalipikasyon.
Sa dami ng kasong inihahain sa CSC, dapat anya ay isang abogado ang ilagay dito ni Arroyo. (Ulat ni Malou Escudero)