Ople, Guingona magde-debate
December 2, 2002 | 12:00am
Matutuloy na ang paghaharap nina Vice President Teofisto Guingona at Foreign Affairs Secretary Blas Ople na itinakda sa Disyembre 12.
Ito ay matapos na tanggapin ni Guingona ang hamon ni Ople na magharap sila sa pamamagitan ng debate hinggil sa usaping kontrobersiyal na pagkakalagda ng Mutual Logistics Support Agreement (MLSA).
Iginiit kamakailan ni Guingona na illegal ang isinagawang pagpapasa ng naturang agreement nang hindi dumaan sa dalawang Kongreso at pinirmahan lamang ng mga low-level officials.
Dahil dito, hinamon ni Ople si Guingona matapos na umani ng batikos ang una kaugnay sa pagsasabwatan umano upang ganap na maisakatuparan ang MLSA bagaman hindi dumaan ito sa Kongreso.
Binigyan-diin ni Ople na hindi na kailangan pang ipadaan ito sa Kongreso dahil sa limitado ang mga probisyon o nilalaman ng nasabing kasunduan kabilang na ang pagbabawal sa mga US forces na huwag magpatayo ng istraktura at base militar habang nasa Pilipinas.
Magsisilbing host sa nasabing showdown nina Ople at Guingona ay ang Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) matapos na tanggihan ng National Press Club na unang binanggit ni Ople na siyang mangangasiwa sa debate na gaganapin sa Manila Mandarin Hotel sa Makati City. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest