^

Bansa

PEA lulusawin na rin

-
Ipinabubuwag na ni Pangulong Arroyo ang Public Estate Authority (PEA) kaugnay ng mga kontrobersiyang kinasangkutan nito na ang pinakahuli ay ang maanomalyang kontrata sa pagpapagawa ng Diosdado Macapagal highway sa Roxas boulevard.

Sa isang talumpati sa pagdiriwang kahapon ng National Heroes Day, sinabi ng Pangulo na maghaharap siya ng panukalang batas sa Kongreso para sa PEA abolition kasabay ng pahayag na naiharap na ng kanyang tanggapan sa Ombudsman ang mga sangkot sa pinakahuling anomalya para masampahan ng kaso ang lahat na opisyal kabilang na ang PEA Board.

"I had accepted the resignation of all the current members of the PEA Board including the general managers, the assistant general manager and the senior corporate attorneys," anang Pangulo.

Ang lahat anyang ari-arian ng ahensiya ay ililipat sa kinauukulang mga tanggapan na siyang magsusuri kung napangalagaan ang mga ito ng mga opisyal ng PEA.

Kabilang din sa kakasuhan ang mga sangkot sa PEA-Amari land deal na tinagurian noon ni dating senador Ernesto Maceda na "grandmother of all scams." (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

AMARI

DIOSDADO MACAPAGAL

ERNESTO MACEDA

IPINABUBUWAG

KABILANG

LILIA TOLENTINO

NATIONAL HEROES DAY

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PUBLIC ESTATE AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with