Ito ang iniulat ng 14th Asian Colloquim in Nephrology at ang 22nd Annual Convention of the Philippine Society of Nephrology (PSN) matapos ang ginanap na pulong balitaan sa Edsa Shangri-la Hotel.
Lumalabas sa statistics ng National Kidney and Transplant Institute, may 4,500 emergency rooms, 19,000 out-patient consultations at 8,800 admissions of patients ang may problema sa kidney.
Nabatid na ang pangunahing dahilan ng pagkakasakit ng kidney ay mula rin sa sakit na diabetes kung saan 4% ng mga Pilipino ay apektado.
Ayon kay Dr. Benita Padilla, board member ng PSN, na umaabot na sa 3.1 million o 4 porsiyento sa total na bilang ng mga Pinoy ang may diabetes.
Dahil dito, binuo nina Padilla at Dr. Romina Danguilan ang Kidney Biopsy and Renal Disease Registry projects upang matulungan ang milyong Pilipino na mayroon ng nasabing sakit.
Sinabi ni Danguilan na kailangan mapalitan ang kidney function sa pamamagitan ng dialysis o kidney transplant.
Sa mga pasyenteng ito, 4,490 lamang ang may kakayahan na magpasailalim sa dialysis dahil sa kawalan ng pera ng iba.
Tinatayang nagkakahalaga ng P30,000-P40,000 ang dialysis kada buwan.
"A patient who gets regular dialysis and sufficient treatment can expect to survive for 10-15 years," ani Padilla. (Ulat ni Ellen Fernando)