Napigilan lamang ang suntukan dahil sa mabilis na pag-awat ng ilang kongresista at mga miyembro ng security.
Ayon sa mga guwardiyang umawat, nagtimpi si Braganza sa unang dalawang pagmumura ni Villareal.
Ngunit napilitan na itong murahin rin ang kongresista nang sa ikatlong pagkakataon ay duruin pa ang kanyang mukha.
Humihirit si Villareal na muling isubasta ang isang farm-to-market road project na ipinapatupad ng DAR dahil umano nagkaroon ng iregularidad na mariing pinabulaanan naman ni Braganza.
Nabatid sa kampo ni Braganza na nagnanais umano si Villareal na makuha ang kontrata para sa isang kontraktor na kaibigan nito at ng kanyang asawang si dating Rep. Julita Villareal.
Pero may hinala ang source mula sa grupo ni Braganza na ang natalong kumpanya sa subasta ay pag-aari rin umano ng pamilya Villareal. (Ulat ni Malou Escudero)