^

Bansa

'Po' at 'opo , sir at ma'm dapat isagot ng pulis sa mga sibilyan

-
Pagsagot sa sibilyan ng "po," "ho," "sir" at "ma’m" ang ipinalabas na kautusan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief deputy director Gen. Reynaldo Velasco sa kanyang mga tauhan kaugnay ng kanyang programang "Police Officer Magalang."

Ayon kay Velasco, kailangang ibalik ng mga pulis ang pagiging magalang sa mga sibilyan na humihingi ng tulong sa kapulisan.

Aminado si Velasco na maraming pulis ang nalilimutang magbigay galang subalit hindi na umano ito problema dahil agad niyang pasasampahan ng kaso ang pulis na magpapakita ng kabastusan.

Aniya, bilang alagad ng batas, kailangan na magalang ang mga tauhan ng PNP upang mabalik ang tiwala ng publiko sa kanila.

Magkakaroon ng monitoring sa bawat himpilan ng pulisya sa kalakhang Maynila para malaman kung sino sa mga pulis ang sumusuway sa kanyang regulasyon. (Ulat ni Doris Franche)

AMINADO

ANIYA

AYON

DORIS FRANCHE

MAGKAKAROON

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

POLICE OFFICER MAGALANG

REYNALDO VELASCO

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with