MLSA gagawing US base ang buong bansa Ka Roger
November 25, 2002 | 12:00am
Nagpahayag ang grupong komunista na hindi na umano kailangan ng pamahalaang US at Pilipinas na isama sa kontrobersiyal na Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) ang probisyon na permanenteng pagtatayo ng base ng Amerika dito.
Ayon kay Gregorio "Ka Roger" Rosal, spokesman ng Melito Glor Command ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) na malinaw na ang Pilipinas ay magiging base ng Amerika sa pamamagitan lamang umano ng paglakip sa pinagkasunduang RP-US Visiting Forces Agreement (VFA).
Sinabi ni Ka Roger na ang mga ito ay panlilinlang at inakusahan ang Malacañang na balak din linlangin ang mga kumokontra sa MLSA sa pagsasabing aalisin ang isang probisyon nang paglagi ng US base sa bansa.
Sa paglagda kamakailan ng MLSA ang militar ng Pilipinas at US ay nangako sa bawat isa na magtutulungan sa kakailanganin sa giyera tulad ng mga armas,gasolina at iba pang bagay na nauukol sa gagamitin sa pandigma.
Samantala ang VFA naman ay pinapayagan ang US forces na manatili sa bansa sa itinakdang panahon sa pamamagitan ng Balikatan Exercise. (Ulat ni Benjie Villa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
11 hours ago
Recommended