^

Bansa

Vice-mayor ng Zamboanga del Norte todas sa ambus

-
Nasawi noon din sa lugar ng pinangyarihan ang isang vice-mayor ng isang bayan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte matapos itong ambusin ng mga armadong kalalakihan kagabi sa Muntinlupa City.

Ang biktima ay nakilalang si Rizal, Zamboanga del Norte, Vice-mayor Perfecto Cebedo, 57 na nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng hindi pa mabatid na kotse.

Sa sketchy report ng Muntinlupa City PNP, na ang insidente ay naganap dakong alas-6 ng gabi malapit sa tollgate ng Filinvest, Brgy. Alabang ng nasabing lungsod.

Nabatid na sakay ang biktima ng kanyang sasakyan nang ito ay harangin ng sasakyan ng mga suspek na agad na pinaulanan ng bala si Cebedo.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung sino ang mga suspek at motibo para paslangin ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALABANG

BRGY

CEBEDO

FILINVEST

HABANG

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

NORTE

PERFECTO CEBEDO

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with