^

Bansa

3 Pinoy na sentensiyado sa Cuba makakabalik na

-
Makakauwi na sa bansa ang tatlong tripulanteng Pilipino na nasentensiyahan dahil sa kasong pagtutulak ng droga sa Cuba makaraang magkasundo ang pamahalaan ng Pilipinas at Cuba na lumagda sa isang kasunduang "Transfer of Sentenced Persons" sa Department of Foreign Affairs kamakalawa ng gabi.

Kinatawan nina Foreign Affairs Undersecretary for Policy Lauro Baja Jr. at Deputy Secretary ng Ministry of Foreign Affairs Jose Guerra Menchero ng Cuba ang paglagda sa naturang kasunduan.

Nakasaad sa kasunduan na ang bawat Pilipino o Cuban na napiit at nahatulan ay maaari nang ilipat sa kani-kanilang bansa para dito ipagpatuloy ang kanilang sentensiya.

Nabatid kay Menchero na apat na taon nang nakakulong ang tatlong tripulanteng Pinoy na may edad 25-27 na nahatulan ng walo hanggang 12 taon sa kasong drug trafficking.

Pansamantalang hindi muna ibinunyag ang kanilang mga pangalan.

Inaasahan na sa loob ng dalawang buwan matapos makumpleto ang mga dokumento ng mga ito ay makakabalik na sa bansa ang tatlo. (Ulat ni Ellen Fernando)

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPUTY SECRETARY

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS UNDERSECRETARY

INAASAHAN

KINATAWAN

MINISTRY OF FOREIGN AFFAIRS JOSE GUERRA MENCHERO

PILIPINO

POLICY LAURO BAJA JR.

TRANSFER OF SENTENCED PERSONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with