^

Bansa

Toy bombs ipakakalat din

-
Higit pang pinatindi ng Al-Qaeda terrorist group ang kanilang banta at pati toy bombs ay plano umano nilang gamitin sa paghahasik nila ng kaguluhan ngayong malapit na ang kapaskuhan.

Base sa intelligence report, may impormasyon na bukod sa mga Xmas card bomb at letter bomb ay magpapakalat din umano ng mga toy bomb ang mga terorista at partikular na tatargetin ay mga batang estudyante.

Bunga nito, inalerto kahapon ni Department of Education (DepEd) Secretary Edilberto de Jesus ang lahat ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya na huwag basta tatanggap ng mga Xmas card at regalong mga laruan mula sa mga estranghero.

Pinangangambahang haluan ng pampasabog ang mga laruan na labis na mapang-akit sa mga batang wala pang mga kamalayan sa panganib.

Mahigpit na rin ang ginagawang pagbabantay sa mga pasukan at labasan sa mga paaralan para masuring mabuti ang mga lumalabas at pumapasok rito nang sa gayon ay maharang ang mga terorista.

Idinagdag pa ng kalihim na hanggat maaari ay ituro rin ng mga guro sa mga bata ang itsura ng mga bomba base na rin sa kanilang mga pagbabasa at pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad kaugnay na rin ng pinalakas na kampanya ng pamahalaan kontra terorismo.

Ang pag-alarma sa mga estudyante ay ginawa ni de Jesus base sa ipinalabas na memorandum 233.

Ito’y kasunod na rin ng pagtanggap ng Xmas card bomb ng embahada ng Myanmar kamakailan at pagkasawi naman ng isang 8-anyos na bata makaraang buksan ang tinanggap na regalo ng pamilya nito na ikinasugat ng ama nitong pastor at dalawang kapatid sa Sta. Cruz, Ilocos Sur kamakailan. (Ulat ni Joy Cantos)

AL-QAEDA

BUNGA

CRUZ

DEPARTMENT OF EDUCATION

HIGIT

IDINAGDAG

ILOCOS SUR

JOY CANTOS

SECRETARY EDILBERTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with