Si Sec.Perez ay si 'million dollar man' - Cong. Villarama
November 21, 2002 | 12:00am
Matapos ang ilang paghihintay,sa wakas ay tinukoy na rin ni Bulacan Rep. Willie Villarama na si "million dollar man" ay walang iba kundi si Justice Secretary Hernando Perez.
Ito ang isiniwalat ni Villarama sa ginanap na The Philippine Insurers Club General Meeting sa Manila Peninsula at ibinigay na niya ang hawak na impormasyon sa Presidential Anti-Graft Commission noong Lunes at tahasang nitong binanggit ang pangalan ni Perez.
"I wish to advise that based on unverified information coming from reliable sources, the government official who,I believe, may either have intimate knowledge of,or have connection with the subject bribery is Secretary Hernando Perez", anang sulat ni Villarama sa PAGC.
Sinabi pa ni Villarama na ginawa lamang niya ang kanyang tungkulin bilang opisyal ng gobyerno na isiwalat ang pangingikil ni million dollar man upang sa ganun ay mawala ang katiwalian sa pamahalaan at umaasa na iimbestigahan ng PAGC ang kanyang ibinulgar.
Binatikos ni Villarama ang National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pananahimik nito sa isyu at dapat anya ay humingi rin ito ng mga dokumento na magpapatunay sa mga bank transaction ni million dollar man na maging basehan ng kanilang imbestigasyon.
Samantala tahasang pinabulaanan ni Perez na siya si million dollar man bagkus ay hinamon niya si Villarama na panumpaan muna nito ang akusasyon bago niya ito sagutin.
Idinagdag pa ni Perez na sa kasalukuyan ay wala pa siyang plano na sampahan ng kaso si Villarama.
Nagpahayag rin ito ng paniniwala na hindi si Manila Representative Mark Jimenez ang nasa likod ng pagbubunyag ni Villarama dahil sa mayroon pa itong extradition case na kinakaharap.
Hinimok naman ni Senator Ramon Magsaysay si Perez na magsumite muna ito ng kanyag leave of absence matapos tukuyin na siya si million dollar man.
Sa pamamagitan umano ng leave of absence ay mawawala ang espekulasyon ng taumbayan na magkaroon ng white-wash sa imbestigasyon. (Malou Escudero, Gemma Amargo, Rudy Andal at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended