ERC ipapatupad ang desisyon ng Korte Suprema
November 20, 2002 | 12:00am
Binigyan ng katiyakan ng Energey Regulatory Commission (ERC) na ipatutupad nito ang magiging pinal na desisyon ng Korte Suprema matapos umapela ang Manila Electric Company (Meralco) kaugnay ng kontrobersiyal na pagbabalik ng umanoy P 28 bilyong kinurakot nito sa taumbayan sa pamamagitan ng sobrang singil sa bayarin ng kuryente.
Itoy sa gitna na rin ng agam-agam sa panig ng milyong mga consumers sa bansa na hindi sila bayaran ng Meralco sa overcharges nito sa loob ng nakalipas na walong taon.
Sinabi naman ni ERC Acting Chaiperson Commissioner Leticia Ibay na bukas ang kanilang tanggapan sa suhestiyon kung paanong paraan maibabalik sa mga consumers ang sobrang naibayad nila sa kuryente simula pa noong 1994 at kabilang na dito ay ang pagbabawas sa electric bills sa Disyembre.
Gayunpaman, nilinaw naman ni Ibay na pangunahin nilang ikukonsidera ang magiging panukala ng Meralco sa oras na magpalabas ang Korte Suprema ng pinal na desisyon.
Samantala hinamon ni Sanlakas national president Wilson Fortaleza na magpalabas ng posisyon ang mga ABS-CBN senators na sina Noli de Castro, Rene Cayetano, Loren Legarda at Kiko Pangilinan dahil sa pagiging tikom ng bibig ng mga ito ukol sa isyu.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest