Ang mga nadagdag na bayani ng lahi tulad ng OFWs ay ang magkapatid na mangingisdang sina Edgar at Crispulo Naga at ang kanilang mga anak na sina Elorde,12 at Rico Cayabyab,15,ampon ni Edgar.
Ang apat ay ipinatawag ng Pangulo sa Malacañang para mabigyan ng kaukulang parangal dahil sa ipinamalas nilang kabayanihan sa pagliligtas ng 15 pasahero.
Dalawang tsekeng nagkakahalaga ng P50,000 ang ibinigay ng Pangulo kina Edgar at Crispulo na lubos na nagpapasalamat sa maagang pamasko sa kanila.
Samantala, sisimulan ngayon ng binuong panel ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang imbestigasyon sa pagbagsak ng flight 585 na ikinasawi ng 19 na pasahero.
Ayon kay Usec. Arturo Valdez, ipapatawag ng investigating body ang piloto na si Capt. Bernie Crisostomo at ang co-pilot nitong si Joseph Gardiner bilang pasimula ng imbestigasyon maging ang mga survivors. (Lilia Tolentino at Rudy Andal)