^

Bansa

Gift bomb: Nene patay, 2 pa grabe

-
Isang regalong bomba ang nag-umpisa nang ipakalat matapos na padalhan ang bahay ng isang pastor na ikinamatay ng anak nitong babae habang siya at isa pa niyang anak ang grabeng nasugatan matapos na ito ay sumabog kamakalawa ng gabi sa Ilocos Sur.

Namatay habang ginagamot sa Ilocos Training Medical Center ang biktimang si Marjorie Lovely Caligtan, 8 anyos habang ang ama nitong si Leopoldo, pastor at kapatid na si Shiela, 14 ay nagtamo ng sugat sa katawan.

Sa ulat na tinanggap ni Sr/Supt. Paterno Hernandez, hepe ng Regional Intelligence and Investigation sa Region 1 na bandang alas- 7 ng gabi nang utusan ng di kilalang lalaki ang isang tricycle driver na si Elias Handoc, 48 anyos na dalhin sa bahay ng pamilya Caligtan na nasa Brgy. Daligan, Sta.Cruz ang isang kahon na regalo na nakatali ng goma at masking tape.

Katatapos lang na maghapunan ang pamilya nang maisipang buksan ni Leopoldo ang natanggap na regalo katabi ang mga anak na nag-uusyoso nang ito ay bigla na lamang sumambulat.

Agad na tumulong ang ilang kapitbahay ng mga biktima para dalhin sa ospital.

Di pa matiyak ng mga awtoridad kung sino ang may kagagawan at nagpadala ng naturang gift bomb dahil wala naman umanong kaaway si Leopoldo sa kanilang lugar.

Ayon naman kay Handoc na binigyan siya ng P 70 ng isang mataas na lalaki para ihatid ang regalo sa bahay ng mga biktima habang siya ay nakapila sa palengke.

Inaalam pa kung ang pagbomba sa mga biktima ay kagagawan ng lokal na terorista o grupo ng mga rebeldeng NPA na namumugad sa bayang ito.

Magugunita na noong Biyernes ay nakatanggap ng letter bomb ang embahada ng Myanmar sa Makati City subalit hindi ito pumutok. (Ulat nina Danilo Garcia at Myds Supnad)

DANILO GARCIA

ELIAS HANDOC

ILOCOS SUR

ILOCOS TRAINING MEDICAL CENTER

LEOPOLDO

MAKATI CITY

MARJORIE LOVELY CALIGTAN

MYDS SUPNAD

PATERNO HERNANDEZ

REGIONAL INTELLIGENCE AND INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with