^

Bansa

BIR papalitan ng NARA

-
Upang makolekta ang taunang P400 bilyong buwis na napupunta lamang sa katiwalian, ipinanukala kahapon ng anim na mambabatas ang pagbuo ng National Authority for Revenue Administration (NARA) para ipalit sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sinabi ni Quezon City Rep. Maite Defensor, isa sa mga awtor ng panukala, na ang hindi epektibong pangongolekta sa buwis ang magiging daan para lalong bumagsak ang Pilipinas.

Malaking suliranin ng pamahalaan ang malaking kakapusan sa pondo dahil sa palpak na koleksiyon sa buwis na nagresulta para lumobo sa P166.4 bilyon hanggang Setyembre 2002 ang budget deficit o kakulangan sa pondo.

Isinusulong ng panukala ang "restructuring" sa ahensiya para magkaroon ito ng tinatawag na "corporate powers" para sa epektibong pangongolekta sa buwis.

Umaasa ang anim na mambabatas na awtor ng NARA na makikiisa sa kanilang ang mga awtor ng Internal Revenue Management Act (IRMA) kabilang na ang nagpanukalang si de Venecia para maisulong ang isa na lamang na panukala.

Nauna rito, ipinanukala ni de Venecia Jr., ang pagbuwag din sa BIR at pagbuo ng IRMA.

Nagkaroon ng negatibong pananaw ang mga empleyado ng BIR sa panukala ni de Venecia dahil sa pangambang ito ang magiging daan upang matanggal sila sa kanilang trabaho.

Subalit sinabi ng mga awtor ng NARA na nakapaloob sa panukala ang magandang benepisyo sa pagreretiro at separation pay para sa mga empleyado ng BIR na tatangging maglingkod sa NARA. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

INTERNAL REVENUE MANAGEMENT ACT

MAITE DEFENSOR

MALOU ESCUDERO

NATIONAL AUTHORITY

PARA

QUEZON CITY REP

REVENUE ADMINISTRATION

VENECIA

VENECIA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with