Isang preso pumupuga kada tatlong araw
November 18, 2002 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ni Senador Francis Pangilinan na dahil sa kapalpakan ng mga tauhan at opisyal ng Bureau of Corrections (Bucor) ay isang preso kada tatlong araw ang tumatakas.
Ayon kay Pangilinan,kung walang gagawing aksyon ang mga opisyal ng Bucor ay baka maubos ang mga preso sa kulungan dahil lamang sa kapalpakan.
Sinabi ni Pangilinan,may kabuuang 128 preso ang nakatakas nitong nakaraang taon na mas mataas ng 21 porsiyento sa taong 2000 batay sa rekord ng Department of Justice (DOJ).
Mula naman sa 70 personnel ng Bucor ay 5 lamang dito ang napapatalsik dahil sa kapabayaan sa kanilang tungkulin habang ang iba ay suspensyon at inililipat lamang ng puwesto.
Sa kasalukuyan ay may pitong prison facilities ang nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bucor na pinamumunuan ni director Ricardo Macala at NBP sa Muntilupa ang may pinakamataas na bilang ng mga nakapuga. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest