^

Bansa

PAGC sisiyasatin si 'Million dollar man'

-
Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) sa hindi pa kilalang miyembro ng Gabinete na tinaguriang "million dollar man" dahil sa pagtanggap nito ng suhol mula sa crony ng dating Pangulong Estrada.

Hiningian ni PAGC Chairman Dario Rama sina Bulacan Rep. Wilfredo Villarama at Senador Panfilo Lacson ng mga dokumento na magpapatunay na ang tinuturing nilang million dollar man ay tumanggap ng suhol.

Tatlong araw na palugit ang hiningi ni Rama sa dalawang solons para ibigay sa kanya ang tunay na pangalan ni million dollar man at ang account number nito sa bangko sa Hongkong kung saan idineposito umano ang suhol.

Samantala hinikayat ni Villarama ang Pangulong Arroyo na sibakin sa kanyang Gabinete si million dollar man dahil sa kilala naman umano nito ang kanyang tinutukoy.

Sinabi pa ni Villarama na umaasa ang taumbayan na ang pamahalaang Arroyo ay malayo sa katiwalian,subalit marami sa kanyang mga opisyal ang napapansin ng publiko na gumagawa ng katiwalian kaya hindi katakataka na ang Pilipinas ay na-ranggo na isa sa pinakamaraming katiwalian. (Ulat ni Jess Diaz)

BULACAN REP

CHAIRMAN DARIO RAMA

GABINETE

JESS DIAZ

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

SENADOR PANFILO LACSON

VILLARAMA

WILFREDO VILLARAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with