^

Bansa

Civil disobedience ilulunsad vs Meralco

-
Isang kampanya ng civil disobedience ang pamumunuan ng militanteng grupong Sanlakas laban sa Manila Electric Company (Meralco) para maobliga itong bayaran ang publiko ng P 28 bilyong sobrang siningil sa taumbayan sa konsumo ng kuryente mula pa noong 1994.

Bukod sa hindi pagbabayad ng electric bill mula sa darating na Disyembre,sinabi ni Sanlakas national president Wilson Fortaleza na kailangan ang gobyerno na ang mangasiwa ng pamamahagi ng kuryente at humanap ng ibang kumpanya na bibili para maiwasan ang monopoliya sa elektrisidad.

Ngayong araw na ito ay sisimulan ng Sanlakas ang pagdaraos ng rali sa harap ng gusali ng Meralco sa Ortigas bilang pag-uumpisa ng serye ng malawakang kilos protesta para mapilitan ang Meralco na bayaran agad ang sobrang nasingil sa mga consumer.

Maging ang Korte Suprema ay pinanawagan din ng Sanlakas na maging matatag sa paninindigan sa nauna nilang ipinalabas na desisyon na nagdeklarang nasobrahan ang Meralco sa siningil nito sa taumbayan.

Walang reaksiyon ang Malacañang sa kampanyang civil disobedience ng Sanlakas bagkus ay nagpayo si Press Secretary Ignacio Bunye sa publiko na huwag pangunahan ang Korte Suprema sa gagawin nitong desisyon sa apelang gagawin ng Meralco. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BUKOD

DISYEMBRE

ISANG

KORTE SUPREMA

LILIA TOLENTINO

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

SANLAKAS

WILSON FORTALEZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with