1.8-M Pinoy adik
November 17, 2002 | 12:00am
Umaabot na sa 1.8 milyong Pilipino ang lulong sa ipinagbabawal na gamot, samantalang 1.6 milyon naman ang patikim-tikim lang.
Sa ulat na natanggap ni House Assistant Majority Leader Frank Perez III, dahil sa dumarami na ang Pinoy na nalululong sa droga ay umaabot na sa P250 bilyon hanggang P300 bilyon ang kinikita ng mga drug lords taun-taon.
Dahil dito, hinimok ni Perez ang pamahalaan na magsagawa ng tuluy-tuloy na anti-drug abuse seminars sa buong bansa.
Hindi anya tamang tuwing Drug Abuse and Control Week lamang nagsasagawa ng programa ang pamahalaan dahil sa ang problema umano sa droga ay dinaranas sa buong taon.
Ipinaliwanag nito na karaniwang nahihinto ang paglaban ng gobyerno sa illegal drug trade sa mga ordinaryong araw kaya hindi napapansin ng mga mamamayan ang epekto ng programa.
Naniniwala si Perez na tanging ang patuloy na implementasyon ng mga programa laban sa droga ang makasusugpo sa illegal drug trade.
Hindi anya makakaya ng pulis ang problema kung hindi tutulong ang mga sibilyan sa pagsugpo ng illegal drugs. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended