Crash victims ninakawan daw

Pinagnakawan umano ang mga nasawing biktima ng bumagsak na Fokker-27 plane ng Laoag Airlines kabilang na ang isang stewardess.

Base sa report, karamihan umano sa mga nawala sa mga bangkay ay mga alahas, mga basang pera kabilang na ang mga dolyar na nakalagay sa wallet ng bulsa ng mga sinawimpalad na dayuhan na nasa katawan pa ng mga ito ng marekober ng mga nagrespondeng rescue team katulong ang ilang mga lokal na mangingisda.

Sa pahayag ni Ferdie Dasalla, asawa ng nasawing stewardess na si Gemma Dasalla, nawawala umano ang wedding ring, kuwintas at hikaw ng kanyang asawa.

Nabatid kay Ferdie, bago umalis ng araw na maganap ang insidente ay suot pa ng kanyang misis ang mga alahas nito.

Ayon pa dito, ang wedding ring na lamang sana ang magsisilbing alaala ni Gemma kaya’t masakit anya na namatay na nga ito ay pinagnakawan pa. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments