Ayon kay Comelec Chairman Benjamin Abalos, panahon na upang maituloy ang nabinbin na mga proyekto at programa para sa nasasakupan ni Hagedorn.
Sa desisyon ng SC, hindi maituturing na pang-apat na termino ang ginawang pagtakbo ni Hagedorn sa recall election noong Set. 24, 2002.
Matatandaan na nagkaroon ng recall elections sa Palawan matapos aprubahan ng Comelec na magsagawa ng Preparatory Recall Assembly ang mga barangay officials sa Puerto Princesa na wala na silang tiwala sa kakayahan ni Puerto Princesa Mayor Victorino Socrates.
Nanalo si Hagedorn, subalit nagpalabas ng TRO ang SC para huwag munang iproklama ang nagwaging mayor dahil may nakabinbin na disqualification case laban dito.
Itoy matapos magprotesta ang mga residente ng Puerto Princesa na si Hagedorn ay hindi maaring iproklama dahil lumilitaw na pang-apat na termino na niya ang kanyang ginawang pagtakbo. (Ulat ni Jhay Quejada/Gemma Amargo)