Presyo ng cell cards na lang ang ibaba kaysa itaas ang sahod
November 13, 2002 | 12:00am
Insulto sa mga manggagawa!
Yan ang tugon ni Bayan Muna Rep. Crispin Beltran sa kahilingan ng Labor Solidarity Movement (LSM) at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ibaba na lamang ang presyo ng cell cards bilang alternatibo sa hinihinging karagdagang sahod ng mga manggagawa.
Sinabi ni Beltran na maraming maralitang manggagawa ang hindi kayang bumili ng cellphones at computers na may internet kaya maituturing na malaking kalokohan ang panukala ni TUCP spokesman Alec Aguilar.
"Puwede bang ipambili ng pagkain ng mga manggagawa ang cell cards, o baka naman gustong sabihin ni Mr. Aguilar sa mga workers na yong cellcards na lamang ang kanilang isaing," sabi ni Beltran.
Hinamon rin ni Beltran si Aguilar na subukang gamitin na pambayad ang cell card sa ospital sa pagpapa-examine niya ng kanyang utak.
Naniniwala si Beltran na ang panukala ng TUCP ay pagpapakita ng suporta sa mga kapitalista at hindi sa mga manggagawa.
Seryoso aniya ang problema ng mga manggagawa at ang kahilingan ng mga ito sa karagdagang sahod kaya hindi ito dapat gawing katawa-tawa ng TUCP. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended