^

Bansa

Account number ng 'Multi-Million Dollar Man' ibununyag ng solon

-
Ibinunyag na kahapon ng isang pro-administration congressman ang account number ng sinasabing "Multi-Million Dollar Man" sa Gabinete ni Pangulong Arroyo na nangikil umano ng halos $2 milyon mula sa isang crony ni dating Pangulong Estrada.

Sa isang privilege speech, ipinakita ni Bulacan Rep. Willie Villarama ang 2-pahinang dokumento na magpapatunay sa nangyaring paglilipat ng halos $2M sa Hong Kong account.

Nakasaad sa dokumento na $1,999,965.00 ang nailipat sa isang account sa Coutts Bank (Schweiz) AG sa Hong Kong noong Peb. 23, 2001.

Ang nasabing halaga ay nagmula sa Trade and Commerce Bank sa Uruguay at idineposito sa account # HO13706.

Mula sa Uruguay, inilipat muna ang pera sa Cayman Island BWI, pagkatapos ay inilipat sa Chase Manhattan Bank sa New York bago ito inilipat sa Coutts Bank sa HK.

Ang nasabing transaksiyon ay nakadetalye sa isang Payment Detailed Report mula sa Trade and Commerce Bank.

Sinabi ni Villarama na hindi muna niya ibubunyag ang pangalan ng Cabinet member bagaman at hinamon siya ni Justice Secretary Hernando Perez na pangalanan ang nasabing opisyal.

Mabubulgar din anya ito base sa mga dokumentong ilalabas niya. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

BULACAN REP

CAYMAN ISLAND

CHASE MANHATTAN BANK

COUTTS BANK

HONG KONG

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

MALOU ESCUDERO

MULTI-MILLION DOLLAR MAN

NEW YORK

TRADE AND COMMERCE BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with