Ayon sa 7-pahinang kautusan ng DOLE-National Capital Region, kabilang sa mga isasailalim sa auditing ay sina Alfredo Bautista, president ng APEA; Salvador Frado, V-pres; Perlita Gulapa, Secretary; Estelito Jacinto, Treasurer; Laurence Cortes, Auditor; Renato Reyes, PRO; at sina Julius Brillantes, Rogelio Opong, Samuel Leonor, Florito Managuelod, Florentino Diangco, Geraldine dela Cruz, pawang mga board members.
Nabatid sa order ng DOLE-NCR na pinagsusumite ang mga naturang opisyal ng financial records na kinabibilangan ng book accounts, disbursement vouchers kasama ang kailangang resibo, income at revenue receipts, financial statement at constitution and by-laws ng unyon.
Lumilitaw sa reklamong isinampa ng mga miyembro ng APEA sa pangunguna ni Alberto Roxas na hindi umano ipinapaalam sa kanila ng mga opisyal ng APEA ang kanilang financial position ng samahan at wala umanong maliwanag na usapin hinggil sa kapakanan ng bawat miyembro at ang estado ng relasyon sa pagitan ng manggagawa at management. (Ulat ni Doris Franche)