^

Bansa

Mga opisyal ng APEA, ipinao-audit

-
Iniutos ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Union Accounts Examiner ng Labor Relations Division ang pagsasailalim sa auditing ng mga opisyal ng Asian Productivity Employees Association (APEA) matapos ang umano’y akusasyong paglulustay ng pondo ng unyon.

Ayon sa 7-pahinang kautusan ng DOLE-National Capital Region, kabilang sa mga isasailalim sa auditing ay sina Alfredo Bautista, president ng APEA; Salvador Frado, V-pres; Perlita Gulapa, Secretary; Estelito Jacinto, Treasurer; Laurence Cortes, Auditor; Renato Reyes, PRO; at sina Julius Brillantes, Rogelio Opong, Samuel Leonor, Florito Managuelod, Florentino Diangco, Geraldine dela Cruz, pawang mga board members.

Nabatid sa order ng DOLE-NCR na pinagsusumite ang mga naturang opisyal ng financial records na kinabibilangan ng book accounts, disbursement vouchers kasama ang kailangang resibo, income at revenue receipts, financial statement at constitution and by-laws ng unyon.

Lumilitaw sa reklamong isinampa ng mga miyembro ng APEA sa pangunguna ni Alberto Roxas na hindi umano ipinapaalam sa kanila ng mga opisyal ng APEA ang kanilang financial position ng samahan at wala umanong maliwanag na usapin hinggil sa kapakanan ng bawat miyembro at ang estado ng relasyon sa pagitan ng manggagawa at management. (Ulat ni Doris Franche)

ALBERTO ROXAS

ALFREDO BAUTISTA

ASIAN PRODUCTIVITY EMPLOYEES ASSOCIATION

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DORIS FRANCHE

ESTELITO JACINTO

FLORENTINO DIANGCO

FLORITO MANAGUELOD

JULIUS BRILLANTES

LABOR RELATIONS DIVISION

LAURENCE CORTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with