^

Bansa

PNP firearms officials dawit sa gun-running syndicate

-
Gugulong ang ulo ng ilang opisyal ng PNP Firearms and Explosives Division (FED) matapos na madiskubre ang pagkakasangkot ng ilan sa mga ito sa international gun running syndicate kung saan 10 baril ang naigawang mailabas, kamakailan ng isang grupo sa storage room nito upang ibagsak sa Taiwan.

Kasabay nito, nananatiling naka-padlock umano ang storage room ng FED upang matiyak na walang maipupuslit na armas ang mga indibidwal na sangkot sa naturang sindikato.

Sinabi ni PNP Civil Security Group Director, Chief Superintendent Reynaldo Berroya na suspendido na umano ang isinasagawang pagbebenta ng mga baril ng PNP matapos ang isinagawang imbentaryo sa kanilang bodega.

Matatandaan na isang Fil-Chinese at tatlong Pinoy ang naaresto noong nakalipas na Nobyembre 7 matapos na mabuko na peke ang mga dokumento ng mga ito sa pagpapalabas ng sampung kalibre 9mm na baril na hinihinalang may kontak sa loob ng PNP.

Ibinulgar din ni Berroya na noong nakaraang Abril ng taong kasalukuyan ay may nasabat ang Taiwanese Coast Guard na mga 173 9mm na baril na nabatid na galing sa Pilipinas.

Nang pag-aralan ng PNP kung saan posibleng galing ang mga ito ay natuklasan sa mga bodega ng kampo na pagmamay-ari ng mga firearm dealer. Bawat firearms dealer ay may kanya-kanyang bodega sa PNP Camp Crame.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang PNP upang makilala ang mga opisyal at empleyado ng CSG maging ang hanay ng Association of Firearms and Ammunitions Dealers sa pamumuno ni Germie Guttierez ng Trust Trade Gun Store.

Tiniyak ni Berroya na may mga masisibak sa kanilang mga tauhan matapos ang imbestigasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ASSOCIATION OF FIREARMS AND AMMUNITIONS DEALERS

BERROYA

CAMP CRAME

CHIEF SUPERINTENDENT REYNALDO BERROYA

CIVIL SECURITY GROUP DIRECTOR

DANILO GARCIA

FIREARMS AND EXPLOSIVES DIVISION

GERMIE GUTTIEREZ

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with