Tinatarget umano ni Legarda ang posisyon ni Senate President Franklin Drilon upang makapagtala ng kasaysayan bilang kauna-unahang lady senate president ng bansa.
Ayon sa source, sakaling makuha ni Legarda ang pagiging Senate president ay magagamit niya itong propaganda sakaling tumakbo naman itong vice-president sa darating na 2004 elections.
Dumami ang lumutang na nagnanais sungkitin ang pagiging senate president na nakatakdang mawala kay Drilon sa darating na December 31 dahil sa term-sharing agreement nito kay Sen. Renato Cayetano. Napag-alaman na maraming miyembro ng mayorya ang ayaw na igalang ang term-sharing lalo ngayong mahina ang pangangatawan ni Cayetano. (Ulat ni Rudy Andal)