^

Bansa

Loren malabong masungkit ang Senate presidency

-
Malabong masungkit ni Senate Majority Leader Loren Legarda-Leviste ang pamumuno ng Senado matapos mapaulat na hindi ito susuportahan ng House bloc ng majority group habang alinlangan naman ang kanyang mga kasamahan sa ABS-CBN bloc.

Tinatarget umano ni Legarda ang posisyon ni Senate President Franklin Drilon upang makapagtala ng kasaysayan bilang kauna-unahang lady senate president ng bansa.

Ayon sa source, sakaling makuha ni Legarda ang pagiging Senate president ay magagamit niya itong propaganda sakaling tumakbo naman itong vice-president sa darating na 2004 elections.

Dumami ang lumutang na nagnanais sungkitin ang pagiging senate president na nakatakdang mawala kay Drilon sa darating na December 31 dahil sa term-sharing agreement nito kay Sen. Renato Cayetano. Napag-alaman na maraming miyembro ng mayorya ang ayaw na igalang ang term-sharing lalo ngayong mahina ang pangangatawan ni Cayetano. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

CAYETANO

DRILON

DUMAMI

LEGARDA

MALABONG

NAPAG

RENATO CAYETANO

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA-LEVISTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with