'Second envelope' gagamitin vs Clarissa
November 9, 2002 | 12:00am
Gagamitin ng mga abogado ni dating Pangulong Estrada ang kontrobersiyal na "second envelope" sa naunsyaming impeachment trial sa Senado upang sirain ang kredibilidad at testimonya ni dating Equitable-PCI Bank senior vice president Clarissa Ocampo na haharap sa Sandiganbayan sa Lunes.
Sa dalawang pahinang mosyon, hiniling nina retired Sandiganbayan Manuel Pamaran, Attys. Prospero Crescini, Irene Jurado at Noel Malaya sa Sandiganbayan na magpalabas ng subpoena para sa "second envelope" upang patunayan na si Jaime Dichaves, akusado rin sa plunder case, ang totoong may-ari ng Jose Velarde account at hindi si Estrada.
Inobliga ng mga abogado ni Estrada ang korte na magpalabas ng "subpoena duces tecum" upang ibigay ng Senate legal counsel o ng sinumang awtorisadong kinatawan ng Archives Division ng Senado ang nasabing dokumento sa Sandiganbayan sa Nob. 11, 13 at 18.
Kakailanganin ng depensa ang nasabing dokumento sa cross examination kay Ocampo. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 6 hours ago
By Doris Franche-Borja | 6 hours ago
By Ludy Bermudo | 6 hours ago
Recommended