^

Bansa

4 pang OFWs sa Saudi pupugutan

-
Apat pang overseas Filipino workers (OFWs) ang nakatakdang pugutan matapos hatulan ng kamatayan sa umano’y pagpatay sa isa pang OFW sa Saudi Arabia.

Kinilala ng Migrante International ang apat na sina Wilfredo Bautista, 35; Sergio Aldana, Antonio Alvesa at Miguel Fernandez.

Ang mga akusado ay nakakulong noon pang 1999 at nahatulan ng Taif Grand Court sa Saudi Arabia noong September 11, 2002 dahil sa umano’y pagpatay kay Jaime dela Cruz.

Si dela Cruz ay natagpuang tadtad ng saksak at pinatay umano ng apat matapos manalo sa P3 million lottery na pinatatakbo ng mga Pilipino doon. Ang perang napanalunan ng biktima ay nawawala pa rin.

Base sa fact sheet na ibinigay ng Southern Luzon Jurisdictional Convention of the United Church of Christ in the Philippines (SLJC-UCCP), tinortyur si Bautista habang sinasailalim sa interogasyon at na-comatose ng ilang buwan.

Kaugnay nito, hiniling ni Poe Gratela, Migrante International secretary general, na makialam ang DFA at sagipin ang mga ito sa pugot ng Taif prison authorities.

Ang pamilya ni dela Cruz ay humihingi ng P6 million diyah o blood money para iurong ang kaso.

Ang diyah ay dapat na bayaran ng pamahalaang Pilipinas at hindi mga pamilya ng mga akusado.

Una rito, isa pang OFW na si Primo Gasmen ang nanganganib na mabitay sa susunod na taon kapag nabigo itong makapagbigay ng US$15,000 blood money. Si Gasmen ay 1999 pa nakakulong dahil sa umano’y pagpatay sa isang Nepalese co-worker sa Saudi Arabia. (Ulat ni Sandy Araneta)

ANTONIO ALVESA

CRUZ

MIGRANTE INTERNATIONAL

MIGUEL FERNANDEZ

POE GRATELA

PRIMO GASMEN

SANDY ARANETA

SAUDI ARABIA

SERGIO ALDANA

SI GASMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with