Buong PEA board resign na!
November 8, 2002 | 12:00am
Tuluyan ng magbibitiw ang mga matataas na opisyal ng kontrobersiyal na Public Estates Authority (PEA) na nadawit sa umanoy maanomalyang Pres. Diosdado Macapagal boulevard.
Sinabi ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na nakumbinsi na ng Malacañang ang buong board na bumitaw na sa PEA sa pangunguna ni Chairman Ernest Villareal.
Bukod kay Villareal, miyembro din ng board sina dating congressman Rodolfo Tuazon, whistle-blower Sulficio Tagud at Ben Carino na siya ring general manager.
Nagbakasyon ang mga ito matapos ipag-utos ng Pangulo habang isinasagawa ang imbestigasyon pero nag-iba ang tono ng Palasyo at nais na silang pagbitiwin.
Ikinokonsidera bilang chairman ng PEA si dating Trade secretary Rizalino Navarro na naglingkod sa Ramos administration. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended