^

Bansa

Rod Strunk makakalusot?

-
Malamang na makaligtas sa kasong kriminal ang pangunahing suspek na si Rod Strunk sa Nida Blanca murder case kahit hindi ito nakapagsumite ng counter-affidavit sa takdang oras sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Senior State Prosecutor Archimedes Manabat, wala pa silang isinasampang kaso laban kay Strunk bagkus ay isinasailalim pa nila sa evaluation ang lahat ng dokumento at ebidensiyang naisumite sa DOJ.

Wika pa ni State Prosecutor Manabat, kahit hindi nakapagsumite ng counter-affidavit ang mga abogado ni Strunk sa itinakdang extension ay maaari namang gamitin ang mga naunang mga testimonya nito gaya ng inihain nitong motion to dismiss at sworn statement noong Disyembre 12, 2001 na itinanggi ang kanyang pagkakasangkot sa pagpatay sa kanyang maybahay.

Ipinaliwanag pa ni Manabat, mali ang pag-aakalang awtomatikong isasampa nila sa Pasig Regional Trial Court ang kaso ni Strunk matapos mabigo itong maghain ng kanyang counter-affidavit sa itinakdang oras.

Aniya, puwedeng i-convert na counter-affidavit ang anumang motion to dismiss petition ni Strunk tulad ng ginawa din ng suspect sa Nida Blanca slay na si Philip Medel Jr. na hindi nagsumite ng counter-affidavit pero naghain ng mosyon na nagtatangging may kinalaman siya sa kaso. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

DEPARTMENT OF JUSTICE

NIDA BLANCA

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

PHILIP MEDEL JR.

ROD STRUNK

RUDY ANDAL

SENIOR STATE PROSECUTOR ARCHIMEDES MANABAT

STATE PROSECUTOR MANABAT

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with