^

Bansa

OFWs pinaghihinalaan na ring terorista

-
Dahil sa pagtawag sa Pilipinas na "terrorist haven" apektado na rin ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa ibang bansa.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos kaugnay sa napipintong pag-ipit ng visa ng mga Pilipino na nais magtrabaho sa mga bansa sa Europa katulad ng Ireland.

Sinabi ni Marcos sa isang panayam sa telepono na siguradong maapektuhan ang ekonomiya ng bansa kapag bumalik sa Pilipinas ang libu-libong OFWs na paghihinalaang terorista.

Mauuwi umano sa wala ang pangarap ng ilang Pinoy na makapasok sa Europe o sa Amerika dahil sa ginagawang paghihigpit sa mga OFWs.

"Yung mga nurse natin o yong mga gustong maging caregiver sa Ireland na in-demand doon ngayon ay siguradong mahihirapan na makapasok doon dahil tinatawag ngayong terrorist haven ang Pilipinas," ani Marcos.

Ang dapat anyang gawin ng foreign service ng bansa ay iprotesta ang ginagawang pagbansag sa Pilipinas na pugad ng mga terorista.

Sinabi pa ni Marcos na nakakaawa ang mga OFWs dahil sa halip na matulungan sila ng pamahalaan ay nalagay pa ang mga ito sa alanganin dahil sa dumadaming grupo sa Pilipinas na isinama sa listahan ng mga terorista. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

AMERIKA

DAHIL

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

MALOU ESCUDERO

MAUUWI

PILIPINAS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with