Sinabi ni Army spokesman Lt. Col. Michael Manquiquis na totoo umano ang insidente na nilalapitan ng mga retiradong militar at personalidad na may impluwensiya sa lipunan ang mga opisyales ng AFP para umanib sa kanila.
Tumanggi si Manquiquis na kilalanin ang naturang mga recruiter na nangako ng mas mabuting pamahalaan ngunit kanilang tinanggihan kung saan sinabi na lamang nito na buo ang kanilang suporta sa rehimeng Arroyo.
Ayon sa intelligence report, kabilang sa mga hinihikayat ng mga anti-Arroyo force sa naturang coup plot ay ang mga tauhan ng 2nd Infantry Division sa Tanay, Rizal; 5th ID sa Isabela, 7th ID sa Nueva Ecija, Special Operations Command ng AFP sa Bulacan, 5th Striking Wings ng Air Force at Phil. Marines sa Fort Bonifacio.
Nauna rito, naiulat na isasagawa umano ang naturang kudeta ngayong buwan o sa darating na Disyembre dahil buo na umano ang kanilang puwersa upang sumagupa sa mga loyal kay Pangulong Arroyo. (Ulat ni Danilo Garcia)