Sinabi ni Rep. Rolando Andaya, hindi naman kayang mag-trapik o tumanggap ng utos katulad ni Scooby Doo ang mga bibilhing aso kaya hindi ito dapat ituloy.
Maituturing anyang isang krimen ang pagbili ng isang napakamahal na aso sa gitna ng kakulangan sa pampublikong ospital, paaralan at mga gamot.
Kung tutoo anya ang napabalitang halaga ng nasabing aso ay maaari na itong gastusin sa pagbabakuna ng libu-libong bata laban sa polio virus.
Sinabi pa ni Andaya na totoong kailangan ng PNP ng mga K-9 dogs para sa anti-terror campaign nito, pero hindi naman aniya dapat gumastos ng napakalaki para lamang sa isang aso.
Susuportahan aniya ng komite ang pagbili ng isang K-9 dog kung hindi ito aabot sa 1 milyon.
Dapat din anyang magkaroon na ng ceiling price sa pagbili ng mga K-9 dogs dahil pare-pareho ang presyong ibinibigay ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan. (Ulat ni Malou Escudero)