^

Bansa

Ibibiling K-9 dogs ipambakuna na lang sa batang may polio

-
Nagbabala kahapon ang chairman ng House committee on appropriations sa PNP kaugnay sa plano nitong bumili ng bomb-sniffing dog na nagkakahalaga ng P2.5 milyon bawat isa.

Sinabi ni Rep. Rolando Andaya, hindi naman kayang mag-trapik o tumanggap ng utos katulad ni Scooby Doo ang mga bibilhing aso kaya hindi ito dapat ituloy.

Maituturing anyang isang krimen ang pagbili ng isang napakamahal na aso sa gitna ng kakulangan sa pampublikong ospital, paaralan at mga gamot.

Kung tutoo anya ang napabalitang halaga ng nasabing aso ay maaari na itong gastusin sa pagbabakuna ng libu-libong bata laban sa polio virus.

Sinabi pa ni Andaya na totoong kailangan ng PNP ng mga K-9 dogs para sa anti-terror campaign nito, pero hindi naman aniya dapat gumastos ng napakalaki para lamang sa isang aso.

Susuportahan aniya ng komite ang pagbili ng isang K-9 dog kung hindi ito aabot sa 1 milyon.

Dapat din anyang magkaroon na ng ceiling price sa pagbili ng mga K-9 dogs dahil pare-pareho ang presyong ibinibigay ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

ANDAYA

DAPAT

MAITUTURING

MALOU ESCUDERO

NAGBABALA

ROLANDO ANDAYA

SCOOBY DOO

SINABI

SUSUPORTAHAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with